An officemate gave me a chunk of biko (sticky rice). Nagdadalawang isip
ako kung kakainin ko dahil kulay berde ito at mukhang nalaspag na ng
panahon (o ng kutsara ng madaming nakatikim na nito). Ngayon ko nafeel
ang feeling ng ginagawang 'disposal unit', taga-tanggap ng tira-tira ng
iba. HAHAHA. Hindi ko napigil, nagtanong pa din ako sa katabi ko kung
okay naman ba ang lasa ng nasabing biko. Theory ng isa kong kasamahan
kaya kulay berde ay baka pinipig ang ginamit. Pero bakit kulay-lumot?
Follow-up question ko. Additional theory e baka daw hinaluan ng
tsokolate. Ok fine, mukhang di naman ako lalasunin ng mga ito. Bahala na.
As of this writing, halos nakalahati ko na siya. HAHAHA. Kakainin din pala.
No comments:
Post a Comment