Tuesday, 16 October 2012

Tips sa mga Conyong Sasakay ng MRT pag Rush Hour


1. Pag nakita mong mahaba na ang pila, please, wag ka na pumasok. Magiging Public Enemy #1 ka lang sa dami ng reklamong maririnig ng tao sa iyo.

2. Ilagay sa lugar ang paglalabas ng cellphone. Dikit dikit na mukha natin, nagpipilit pa magtext? Di makapag-antay?

3. Wag na mag-abala magpaganda bago sumakay ng tren. Promise, pagbaba mo, magmumukha ka ding pinagsamantalahan ng 10 arabo ng hindi hinuhubaran.

Monday, 15 October 2012

Random Thoughts 101512

My boyfriend of almost two years will go back to Iloilo next week to settle for good there. Dun na siya magtutuloy ng kanyang law studies. Tapos yung teacher ko sa Grad School, kinamusta ako sa Facebook, nagwowonder siguro kung bakit bigla na lang akong nawala na parang bula sa eskwelahan. And to make appease for what I did, I messaged her, saying sorry for not being decent enough to make a proper exit and asking for her understanding regarding my predicament.

Being uberly anxious with things that bothers me, I've been carrying the burden of embarrassment and loneliness the whole day. Ngayon ko narerealize na napaka-unprofessional ko for quitting Grad School just like that, na parang wala akong pinagkaiba sa isang undergrad student na bigla na lang di na pumasok. Pareho lang kami, ang pinagkaiba lang,me PRC ID ako. ouch.

Sana matapos na ang araw na ito. Nag-message na ako sa prof ko. At mamaya, mag-uusap kami ng boyfriend ko. Ang gusto ko na lang, mahiga at itulog ang lahat ng ito.

Parang ganito lang din ng natalo ang USTe noong nakaraang linggo. Pero alam ko, sa mga susunod na araw, tatawa na lang ako na parang walang nangyari.

Thursday, 11 October 2012

Kating Hindi Mawala Wala

Nangangati ang paa ko. Hindi dahil sa inanihan ng kung anong fungus ang katawan ko. Metaphor lang yun. Nangangati ang paa ko at gusto kong magpakalayo-layo. Sabi ko, sa bawat buwan ng taong ito ay dapat me gala ako. Magpapakalayu-layo ng ilang araw at magpapakapagod at gagastos ng pera. Wala lang. Kala mo ang yaman e no. Kung maka-gastos ng pera e ganun-ganun na lang. Oe ano naman. Sa simpleng sabi, ang perang ginagastos ko ay pinaghihirapan ko, o mas dapat ko atang sabihing pinagpupuyatan ko dahil panggabi ang trabaho ko.

Balik tayo sa kati ng paa ko. Umaalis ako sa madaming dahilan. Dati, nung drama-dramahan pa ako sa ex-boyfriend ko (sa ibang post ko na ikukwento yun), umaalis ako at babalikan ang mga lugar na dati naming pinupuntahan. Gusto ko lang ulit namnamin yung mga panahong magkasama kaming dalawa sa lugar na wala kaming kilala. Dumating din yung time na umaalis ako dahil malungkot na ako sa trabaho. Para kasing umabot na ako sa punto na parang alam ko na ang mga dapat kong malaman. Stagnant na kumbaga. Pero evetually, hindi pa din pala (at sa ibang post ko na lang din yun ikukwento). Syempre naman, di palaging puro emo lang. Umaalis ako dahil gusto kong magsaya naman. Mag-enjoy lang ng walang iniisip na iba.

Nabuhay ako sa pamilyang hindi nagse-celebrate ng FAMILY DAY. Hindi din ako pamilyar sa mga katagang FAMILY BONDING noong kabataan ko. Siguro, dahil wala dito ang tatay ko para sabihing kumpleto kami sa mga okasyong ganito. O siguro ayaw lang ng nanay kong makaramdam ang tatay ko ng inggit at lungkot pag nakita niyang sama-sama kaming nagsasaya pero wala siya. Naiinggit ako sa mga kaklase ko noon na nagpapakita ng family pictures nila sa Baguio o sa Ilocos o kahit sa Enchanted Kingdom lang. E kasi, nagkakaroon lang kami ng tsansang magkasama sa picture ng nanay ko pag may kasal sa isang kamag-anak o may patay na dinadaluhan. Yun lang ang alam naming family affair noon. Noong high school naman, nauso ang ayaan ng mga kaibigan. At dahil masamang salita para sa nanay ko ang salitang 'lakwatsa', pag may lakaran na ganun e hindi nya ako pinapayagan. So, pag di nya ako pinayagan, malamang, walang pera. Kaya dumating ako sa puntong gumagawa na ako ng assignment ng iba para lang may maipangtustos sa mga swimming at malling noong mga panahong iyon. Di bale ng tumakas ako at pagalitan, saka ko na lang iisipin ang tsinelas ni mama pag-uwi ko.

Doon ko naisip at ipinangako sa sarili ko na pag dumating ang panahong nagtatrabaho at kumikita na ako ng pera, hindi ko uuhawin ang sarili ko sa lakwatsa. Lilibutin ko ang Pilipinas. Oo, Pilipinas lang ang target ko sa ngayon. Saka na ang abroad, mag-iipon muna ako ng ingles para cool pag nakikipag-usap sa Singaporeang tindero na makakasalamuha ko. 

Dapat daw iniipon ko na lang ang perang ginagastos ko. Nagagalit na nga mga magulang ko e. HAHAHA. Pero gusto ko lang talagang lumibot ng bansa habang kinakanta ang Overdrive ng Eraserheads. Ansarap din minsan maligaw sa isang lugar at hindi nangangambang di na makakauwi, kumain ng mga pagkaing hindi mo pa natitikman at makarinig ng mga diyalektong hindi mo naman naiintindihan pero pilit mong iniintindi.

Sana, dumating ang panahong hindi ko na poproblemahin ang perang gagastusin ko. Basta larga lang ng larga. Libutin lang ang gustong libutin. Kainin ang gustong kainin. At magpakapagod lang ng magpakapagod sa byahe hanggang gusto ko.

Sama ka. :D Just text me. Lol.

Friday, 7 September 2012

Gulong Talilong

At dumating na ako sa puntong kinatatakutan ko. Tinatamad na akong tapusin ang sinimulan ko. Wala na akong ganang ipagpatuloy ang Graduate School.

Shoot! Nakakainis talaga. Noong una, excited na excited talaga ako. As in makikipagpatayan ako para lang matanggap at makapag-aral ulit. Pero ewan ko ba, tinamad na ako ngayon nang hindi pa natatapos ang semester. Nawawalan na ako ng gana. Nawawala na ang drive ko pumasok kada Sabado. Oo, alam kong pangit ang mag-quit pero hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

I have my reasons for having this feeling, na parang naguguluhan at nalilito kung magpapatuloy. Hindi naman basta-basta lang naisip kong tigilan e.

(Una) Ang Puyat. Ang hirap ng sitwasyon ko ha, na panggabi ang pasok. Papasok ako ng opisina ng alas-9 ng gabi, deretso na hanggang pagpasok ko ng eskwelahan ng alas-6 ng umaga kinabukasan at buong araw akong gising at nilalabanan ang antok hanggang alas-5 ng hapon. Makikipagpambuno pa ako sa LRT-MRT pauwi at makikipag-gitgitan sa mga pauwing estudyante. Minsan, nagugulat na lang ako kung paano ako nakakauwi sa sobrang antok.

(Pangalawa) Suspension. Madalas, walang pasok. Wala na akong halos natututunan sa BioPhar [una kong subject kada Sabado]. Tapos maka-cut ang klase dahil me activity biglaan. Tapos biglang  wala na din klase sa maghapon. Nakaka-frustrate. Minsan na lang sa isang linggo ang klase, mawawala pa. Nakakainis diba.

(Pangatlo) Pera. Minsan, papasok akong wala akong panlunch. Kaya maiisip ko na lang di na lang pumasok kesa umattend ng gutom at inaantok.

(Pang-apat) Tambak na trabaho. Ngarag na ako. Period.

(Pang-lima) At ang pinaka-ultimate sa lahat, Kawalan ng Drive na Maging Guro. Sa simula pa naman, kaya ako nag-MS eh dahil gusto kong magturo. Nandun yung mismong rason ko kaya gusto ko mag-aral muli. Dahil iyon ang gusto kong tahaking landas bilang isang Pharmacist. Pero dahil kasama ko ay mga guro na at sila mismo ang nasa karerang ito, nakakarinig ako ng kwento. Mga kwentong alam kong di ko kakayaning sikmurain dahil mababa lang ang self-containment ko sa mga ganung bagay. Narealize ko na ang mga guro talaga ang mga taong pinaka-may malakas na loob. Sabi ng isang kaklase ko, siya, binigay na niya lahat para di lang bumagsak ang mga estudyante nya, kulang na lang ibigay niya pati mismo ipapa-exam nya, meron at meron pa din babagsak at sa kanya pa din babagsak ang sisi. Ang sakit, parang nakakapanlumo na sumapit ako sa ganun. Isa pang kwento ay ang isa kong katrabaho na naging guro na din ng iba pang mga bago kong katrabaho noong sila'y nag-aaral pa. Parang andami pa din reklamo at nakikitang mali ng iba sa kahit sinong guro nila. Hindi nga naman talaga mapi-please ang lahat ng tao pero hindi ko ata kaya ang tumanggap ng mga masasakit na puna mula sa iba.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa ngayon. Isa sa mga kaklase ko ang alam ko'y magda-drop na ng isang subject. At napapaisip na din akong gayahin na. Pero blangko na ako. Nalulungkot ako pero  natutuwa. Dahil kahit paano'y bumalik naman ang sigla ko sa trabaho buhat ng nakatanggap ako ng parangal at pagkilala noong nakaraang anibersaryo ng departamento namin. Performance Award ang natanggap ko. Kinilala ang kasipagan ko at dedikasyon sa trabaho. Ansaya diba. Naisip ko na din ang magsimula ng babuyan. Magpapaalaga ako ng baboy at ako ang magpi-finance ng gastusin. Gusto kong magnegosyo na at hindi na mag-guro. Magsisimula na din akong magturo sa mga bago kong katrabaho. Trainer na ako! Hahaha. Ansaya lang ng feeling na may 'silbi' na at kahit paano'y may 'seniority' na ang dating ko sa trabaho.

Sana gabayan ako sa kung saan ako nararapat. Pinanghihinaan na talaga ako ng loob. Gusto ko na lang iiyak pero kanino ko naman maaaring ibahagi ang nararamdaman ko na alam kong makakaintindi sa akin?

Lord, kung saan ako nauukol, doon mo ako ituro. Amen.

Thursday, 30 August 2012

Tigil-Pusong Engkwentro sa Elevator

Nagkasabay sabay kami sa elevator...
Di ko siya pinansin kasi alam kong di nya pa ako kilala ng personal...

Pero nagsalita siya sa kasama ko at tumigil ang lahat para sa akin...

"Ay, si Erba pala yan. Kala ko bago nyo eh. Wala kasing salamin."

SHOOT! Ito yung mga panahong dinadasal kong ma-trap na lang sa elevator...

kapiling ka. :)

Monday, 23 July 2012

Random Thought: Bikong Berde

An officemate gave me a chunk of biko (sticky rice). Nagdadalawang isip ako kung kakainin ko dahil kulay berde ito at mukhang nalaspag na ng panahon (o ng kutsara ng madaming nakatikim na nito). Ngayon ko nafeel ang feeling ng ginagawang 'disposal unit', taga-tanggap ng tira-tira ng iba. HAHAHA. Hindi ko napigil, nagtanong pa din ako sa katabi ko kung okay naman ba ang lasa ng nasabing biko. Theory ng isa kong kasamahan kaya kulay berde ay baka pinipig ang ginamit. Pero bakit kulay-lumot? Follow-up question ko. Additional theory e baka daw hinaluan ng tsokolate. Ok fine, mukhang di naman ako lalasunin ng mga ito. Bahala na.

As of this writing, halos nakalahati ko na siya. HAHAHA. Kakainin din pala.

One Gay Story

I am gay, and I am 100% sure I'll die one.

I never wanted to be gay, no one does. And I know that everyone would agree that no gay person chose to be one since birth. And if, by chance, I would have a son, either adopted or my own, ayoko siyang maging bakla. Ayoko siyang lumaking nangangapa ng kanyang pagkatao. Ayoko siyang makitang umiiyak dahil sa tinutukso siya ng kanyang mga kalaro. Ayoko siyang manggamit ng ibang tao para lang pagtakpan ang kanyang pagkabakla. At ayoko lalo siyang magsinungaling sa kanyang tunay na pagkatao para lang di dustahin ng mundo. Ang aking buhay-pagkabata ay puno ng pangungutya mula sa ibang tao maging mula sa aking pamilya. It was too much for a child, na hindi naman ginusto ang maging isang ganun. As much as I want to immerse myself to other people, I still fear being discriminated and be hurt. But mind you, hindi ko inalagaan sa aking kalooban ang sakit na yun. If there's one thing being gay has taught me it's to live up with the name itself (read: happy).

I became aware of my sexual orientation even as a child pero I had it explored when I got into college. I had my first SEB, and then series of meet-ups after that. Hindi ko alam kung ituturing kong swerte pero madali akong nagsawa sa ganoong buhay. Naghanap ako ng seryosong relasyon pero dahil bagito ako sa ganito, natuto muna ako sa kamalian bago ako nakahanap ng masasabi kong 'seryosong relasyon'.

Hindi naman din ako nalalayo sa mga ibang nagtago muna ng pagkabakla bago tuluyang nagladlad. Natakot ako sa mundo, natakot ako sa mga salitang maririnig ko, natakot ako sa pamilya ko, at natakot ako sa kahihinatnan ng buhay ko pag nagpakabakla nga ako. Kung papipiliin ako, syempre mas gugustuhin ko ang maging tunay na lalaki, mas pipiliin ko ang magka-pamilya, ang makabuntis, at ang kinakasal sa babaeng gusto ko talaga. Pero ganito talaga e, hindi ko mapigilan, Hindi ko kayang ipilit ang iniisip kong 'dapat ako', dahil ang pagiging bakla talaga ata ang nararapat, ang totoong ako. Dalawang magkaibang bagay yun. Naging bakla ako sa mundong galit sa bakla ang nakararaming tao. Yun lang.

Ngayon, dahil tanggap ko na ganito ako, ito na ang panahong dapat patunayan kong may silbi ako sa mundo. Ngayon ko kelangan gumawa ng mga bagay na may silbi at may kabuluhan para sa nakararami. Sa ngayon, nag-aaral ako ng Masteral Degree ko. Mukhang mahirap na landasin pero ito muna ang kinakapa ko. Goal ko maging isang Baklang-Pharmacist-Na-Nagtuturo-Para-Mas-Lalong-Yumabong-Ang-Pharmacy-Field. O diba. Tapos dadagdagan ko pa yan hanggang sa maging kasing-haba ng isang paragraph ang itatawag sa akin. Saya!

Sana lahat din ng mga bakla, maging kapaki-pakinabang. Kumawala tayo sa larawan ng baklang pamparlor o nasa Malate't naghahanap ng callboy. Katulad din ng iba, maipakita sana ng lahat ng bakla na may dangal ang bawat isa at hindi bilang isang salot o malas tulad ng sinasabi nila noon pa man.

Bakla ako, pero may silbi. At maswerte ang mundo dahil sa mga baklang tulad ko. BOW.

*char*