Sunday, 6 November 2011

Here I Go Again.

Here I go again with blogging.

Maswerte akong nabuhay ako sa panahong hindi ko na kailangan ng dahon o kawayan para pagsulatan. O di kaya mangalbo ng manok para gumawa ng pluma. Nabuhay ako sa mundong may internet. At para sa isang taong katulad ko na madaldal at madaming reklamo sa mundo, kailangan ko syempre ng outlet.

Inaamin ko, internet adik ako.

Kung ang ilan, may drogang kinaaadikan, may lalaking kinababaliwan, may alak na kinalululungan, ako, katulad ng ilang libong Pilipino na in denial pa din, ay adik sa internet. Nagsimula ako sa dial-up. Nagkaroon ako ng EDSA Mail Account. Nagka-YM. Nag-mIRC. Nag-porn site. Nag-Friendster. Nag-Multiply. Nag-Youtube. Nag-Iyotube. Naghanap ng scandals. Naghanap ng ka-chat. Naghanap ng trabaho, ng kaibigan, ng ka-ibigan, ng ka-eyeball, pati penpal sa internet ko hinanap. Sa madaling salita, kakambal ng sampung daliri ko ang keyboard at dikit sa monitor ang mata at utak ko.


At katulad din ng anumang adiksyon, nagkaroon ng panahon na nagsawa na ako at naisip kong malala na ang pangangati ng kamay ko sa computer. Kaya kasabay ng pagmahal ng ISP at ng bill ng kuryente't telepono, tumigil ako. Ito yung phase na kung tawagin ay 'Rehab Stage'.


Tinuon ko  ang paglalahad ng kwento ko sa 'journal' pero dahil tamad talaga ako sumulat, nawalan din ng saysay. Bumalik ako sa blogging, binalikan ko sa pamamagitan ng multiply. Ok naman sa simula. Pero ng nagsulputan na ang mga tinder't tindera sa paligid at napupuno na lang ng spam comments ang account ko, nawalan na ako ng gana. Kumbaga sa kahabaan ng EDSA, nagtraffic na dahil sa mga 'illegal vendors'. Tinry ko naman sa twitter kaso di ko ata kayang ipagsiksikan sa 140 characters ang gusto kong sabihin ng hindi nagfa-flood sa timeline ng mga followers ko. Sinubukan ko din ang NOTES sa facebook pero parang kulang e, kumbaga sa ulam, sobrang daming sahog ng facebook at malayong mapansin ang notes ko. Kaya naisip ko, kung talagang gusto kong magsulat, sa blogsite dapat ako gumawa.


Hindi ko sinasabing magaling ako magsulat... mahilig lang talaga akong magkwento.


Lunes na naman. Manic Monday. Antagal ng sahod. Pero katulad ng lagi kong sinasabi, - gaano man kasalat, patuloy dapat magpasalamat -. :D

No comments:

Post a Comment