Tuesday, 8 November 2011

Para kay Pag-ibig.

November 9th is approaching and still I find myself teary-eyed.

Aaminin ko, sobrang nasasaktan pa din ako habang inaalala ko yung tagpong iniwan mo ako. Hindi ko alam. Andami pa ding regrets, andaming what-ifs. Hindi naman siguro mawawala yun e. Pero nasa estado pa din ako ng panghihinayang.

Mahal pa din kita. Yun lang ang katotohanang alam ko sa ngayon. Umaasa pa din akong babalikan mo ako at bibitawan ko ang lahat para sumama sa iyo. Ikaw pa din ang dinadalangin ko sa mga gabing nag-iisa ako, nalulungkot. Madaming dumaan pero walang pumantay sa ligayang naramdaman ko sa piling mo. Gusto kitang makasama pagtanda. Gusto kong magtaguyod ng sarili ko ng kasama ka. Sabay natin palalakihin sila 'Carlson' at 'Aubrey'. Sabay nating lilibutin ang bansa, maging ang buong mundo. Sa totoo lang, kung ano ako ngayon, dahil yun sa halos dalawang taong pagsasama natin.

Walang pumantay kahit na sino. Ikaw ang greatest love story ko. Ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda. Ikaw ang gusto kong huling halik sa pagtulog ko at unang ngiting makikita ko sa pagmulat ng aking mga mata. Ikaw ang gusto kong yumakap sa akin sa panahon ng aking kalungkutan.

Ang pinakamahirap pakawalan na tao sa buhay natin e yung mga taong nakita natin ang ating bukas kasama ng mga iyon. Pero hindi talaga maiiwasan ang paglisan. Isa lang ang kailangan kong matutunan sa ngayon, ang magparaya.

Life is all about letting go. Iyan ang isa sa mga bagay na natutunan ko simula pagkabata ko. Pero nalimutan ko yun ng dumating ka sa buhay ko. Ayaw ko kasi kumawala e. Pero ngayon, sisimulan ko. Papalayain ko ang sarili ko mula sa pagkakakulong sa alaala ng ating kahapon. Oo, masakit pero kailangan. Kailangan kong maging maligaya at humarap sa realidad ng buhay na wala ka na. Pero hindi ko papakawalan ang pag-asang baka bukas, muli mo akong ibigin at balikan. Umaasa ako. Nandito lang ako, naghihintay.

Nagmamahal,
Tebs.

No comments:

Post a Comment