Monday, 23 July 2012

Random Thought: Bikong Berde

An officemate gave me a chunk of biko (sticky rice). Nagdadalawang isip ako kung kakainin ko dahil kulay berde ito at mukhang nalaspag na ng panahon (o ng kutsara ng madaming nakatikim na nito). Ngayon ko nafeel ang feeling ng ginagawang 'disposal unit', taga-tanggap ng tira-tira ng iba. HAHAHA. Hindi ko napigil, nagtanong pa din ako sa katabi ko kung okay naman ba ang lasa ng nasabing biko. Theory ng isa kong kasamahan kaya kulay berde ay baka pinipig ang ginamit. Pero bakit kulay-lumot? Follow-up question ko. Additional theory e baka daw hinaluan ng tsokolate. Ok fine, mukhang di naman ako lalasunin ng mga ito. Bahala na.

As of this writing, halos nakalahati ko na siya. HAHAHA. Kakainin din pala.

One Gay Story

I am gay, and I am 100% sure I'll die one.

I never wanted to be gay, no one does. And I know that everyone would agree that no gay person chose to be one since birth. And if, by chance, I would have a son, either adopted or my own, ayoko siyang maging bakla. Ayoko siyang lumaking nangangapa ng kanyang pagkatao. Ayoko siyang makitang umiiyak dahil sa tinutukso siya ng kanyang mga kalaro. Ayoko siyang manggamit ng ibang tao para lang pagtakpan ang kanyang pagkabakla. At ayoko lalo siyang magsinungaling sa kanyang tunay na pagkatao para lang di dustahin ng mundo. Ang aking buhay-pagkabata ay puno ng pangungutya mula sa ibang tao maging mula sa aking pamilya. It was too much for a child, na hindi naman ginusto ang maging isang ganun. As much as I want to immerse myself to other people, I still fear being discriminated and be hurt. But mind you, hindi ko inalagaan sa aking kalooban ang sakit na yun. If there's one thing being gay has taught me it's to live up with the name itself (read: happy).

I became aware of my sexual orientation even as a child pero I had it explored when I got into college. I had my first SEB, and then series of meet-ups after that. Hindi ko alam kung ituturing kong swerte pero madali akong nagsawa sa ganoong buhay. Naghanap ako ng seryosong relasyon pero dahil bagito ako sa ganito, natuto muna ako sa kamalian bago ako nakahanap ng masasabi kong 'seryosong relasyon'.

Hindi naman din ako nalalayo sa mga ibang nagtago muna ng pagkabakla bago tuluyang nagladlad. Natakot ako sa mundo, natakot ako sa mga salitang maririnig ko, natakot ako sa pamilya ko, at natakot ako sa kahihinatnan ng buhay ko pag nagpakabakla nga ako. Kung papipiliin ako, syempre mas gugustuhin ko ang maging tunay na lalaki, mas pipiliin ko ang magka-pamilya, ang makabuntis, at ang kinakasal sa babaeng gusto ko talaga. Pero ganito talaga e, hindi ko mapigilan, Hindi ko kayang ipilit ang iniisip kong 'dapat ako', dahil ang pagiging bakla talaga ata ang nararapat, ang totoong ako. Dalawang magkaibang bagay yun. Naging bakla ako sa mundong galit sa bakla ang nakararaming tao. Yun lang.

Ngayon, dahil tanggap ko na ganito ako, ito na ang panahong dapat patunayan kong may silbi ako sa mundo. Ngayon ko kelangan gumawa ng mga bagay na may silbi at may kabuluhan para sa nakararami. Sa ngayon, nag-aaral ako ng Masteral Degree ko. Mukhang mahirap na landasin pero ito muna ang kinakapa ko. Goal ko maging isang Baklang-Pharmacist-Na-Nagtuturo-Para-Mas-Lalong-Yumabong-Ang-Pharmacy-Field. O diba. Tapos dadagdagan ko pa yan hanggang sa maging kasing-haba ng isang paragraph ang itatawag sa akin. Saya!

Sana lahat din ng mga bakla, maging kapaki-pakinabang. Kumawala tayo sa larawan ng baklang pamparlor o nasa Malate't naghahanap ng callboy. Katulad din ng iba, maipakita sana ng lahat ng bakla na may dangal ang bawat isa at hindi bilang isang salot o malas tulad ng sinasabi nila noon pa man.

Bakla ako, pero may silbi. At maswerte ang mundo dahil sa mga baklang tulad ko. BOW.

*char*

Wednesday, 18 July 2012

Kirot Puso Na Naman

Iba pa din pala yung sakit pag nalaman mong may ibang karelasyon na ang ex mo.


Lalo na kung hindi siya nahihiyang magpost ng mga ginagawa nila na alam mong hindi niya ginagawa noong kayo pa.


I know I should move on and it's about time I do.


Pero iba pa din e. Nakakalungkot lang kasi siguro, sa loob ko, alam ko sa sarili kong umaasa pa din ako.


This is a total bummer. BOO. T_T

Wednesday, 6 June 2012

The Moment My World Stood Still.

Tumigil siya
Nagtitigan kami
Mata sa mata
At totoo, tumibok ng mabilis ang puso ko.


- shet, isang laglag-brief moment na naman. ☺

Tuesday, 24 April 2012

Making my move towards graduate school

Di pa din ako maka-move on. I realized that if I don't start making my move, wala akong mahihita. Yes, I am making my move to make GRADUATE SCHOOL a reality.

I imagine
Even before, sinasabi ko na gusto ko talagang magkaroon ng post-graduate degree. Gusto ko kasi talagang magturo e. Gusto kong pumasok sa eskwela hindi lang para matuto kundi para din magturo. Masarap ang feeling na may tumatawag ng "sir" sa akin para magtanong o bumati o para magpa-cute lang at sumipsip (dahil gawain ko din yun). hahaha. There is this big enigma na pag teacher, gaano man kababa ang height nila sir at mam, matataas na tao sila. And I want to have that same respect. Although alam kong me downside, at maaari akong matawag ng kung anu anong pet names (well, sana hindi tungkol sa katabaan ko), pero kasama ata talaga yun. Kasi, ideny man natin o hindi, ang teacher ang may pinakamalaking epekto sa pagbuo ng pagkatao ng isang estudyante. Ang lahat ng karangalan ng isang estudyante sa napili nyang mundo ay dapat lamang ipagpasalamat sa mga gurong humubog sa kanya noong nag-aaral pa lang siya.

I made my move
Ayun nga, andaming beses nadelayed dahil pabagu-bago ang isip ng mga kasama ko dapat pumunta ng CEU. Dapat Friday pa ako pupunta kaso sabi ni officemate 1, sasama siya. Inusog ko ng Monday, pero tinamad naman siya. Inusog ko ng Wednesday pero sa huli, Friday na din ng linggong yon ako nakapunta at ako na lang mag-isa. Ansaya.

I took the challenge
So nung nagpunta ako, pinaikut ikot ako kung saan saan. Pero sa huli, ang kelangan ko lang pala e magpa-interview sa Dean ng Pharmacy at magtake ng exam, which means, another tour to the Dean's Office at enroute to the cashier. Pero ayun, dahil nga kung saan saan pa ako umikot, di ako umabot ng 8:00AM exam. Weng-weng na at antok na antok ay umuwi na ako. Bumalik ako ng eskwelahan after 4 days (including 2 OT weekends with 2 hours sleep each) upang mag-exam. English exam (ok naman), Mental Ability Exam (hmm... 15 mins for 57 items exam, haaaaay. andami kong naiwang blangko), at Personality Test (na sooooobrang dami din). voila! after 2 hours, natapos din.

and now, I'm waiting for the result
and I am praying for the best. sana eto na talaga.

Tuesday, 10 April 2012

Ready Set Go

I've decided, I'm going to graduate school. 'Di ko nga lang alam kung anong school. Pero at least, determinado na ko ngayong mag-aral.

Andaming dahilan kaya gusto ko mag-aral. Una, sa trabaho ko, parang 'stagnant' na ako. Paulit ulit na lang e. Nakakasawa na. Nakakabore na. Wala na yung thrill. Papasok ako, magtatrabaho, uuwi, matutulog. Ganun ang ikot araw araw. Ginawa kong escape ang pagbabakasyon sa malayong lugar buwan-buwan, pero utang na loob naman diba, ang gastos! hahaha. Tsaka, panggabi naman ang trabaho ko so pwede ako pumasok ng umaga. Tutal di naman buong araw ang pasok sa eskwela. Pangalawa, weird man sabihin pero namiss ko talaga ang mag-aral ulit. Alam kong hindi ako ang pinakamasipag na estudyante, maging pinakamatalino sa klase, pero ewan, namiss ko talaga mag-aral. Ikatlo, at ang pinaka-importante sa lahat ng rason ko, pangarap ko talaga magkaroon ng MASTERAL DEGREE. Noong first year college ako, me teacher akong nakatapos ng Masteral Degree. Dun ko na-realize na ako, gusto ko din makakuha nun. It sparked something in me. Gusto kong may ma-achieve, may matapos.

Kung sakali man mapagod ako sa trabaho ko ngayon, alam ko me fall-back ako. Alam ko this will open more doors for me. Mas madaming opportunities ang maaaring ibigay sa akin.

Sana matuloy talaga. Ito na talaga, di na ako aatras. ☺

Monday, 9 April 2012

Random Thoughts 040912

Pag naka-salamin ang isang tao, matalino yan.

natatawa lang habang iniisip ko na ganyan ako mag-isip noong kabataan ko. at naiinis ako na hiniling kong sana lumabo ang mata ko ng magkaroon ako ng rason para magsalamin. and *voila* 5 feet from me at hindi na ako nakakaaninag ng mukha ng tao. may salamin ako pero hindi ko sure kung genius nga akong matuturing. pwede pa siguro ang bulag.

Indeed, looks can be deceiving.

Minsan, gusto kong mina-max volume ang sounds na nakapasak sa tenga ko. Lunurin ang pandinig sa emo-sounds ni Adele para di ko marinig ang tawanan ng mga tao na nasa paligid ko. Ewan ko, alam ko sa sarili ko na sociable ako at hindi mahirap pakisamahan pero minsan lang talaga gusto kong mapag-isa, gusto kong mag-solo, gusto kong kumawala sa mga mata ng mga tao. imbisibol. siguro din, nag-iinarte lang ako. gusto ko lang mabingi talaga kaya kelangan full volume ang sounds. HAHA.


as I write about this, napaisip lang ako, am I really that sociable? may mga pagkakataon din naman na me mga tao akong gustong samahan pero ang resulta, excluded pa din ako. na napapatanong na lang ako kung nagfi-feeling lang ba ako na close kami ng tao pero hindi naman pala. i could share a great deal of laughs pero that doesn't sum it all. it's way deeper than that. wala, kalungkot lang. in short, FEELER ako. hehehe

Feeling Genius na Feeling Close pa. Boo.


P.S.
Really great being able to access blogspot in the office.